Official Website of the Municipality of Bulakan

Latest Updates

2017 November Tradisyon sa Bulakan – PANGANGALULUWA

Tradisyon sa Bulakan – PANGANGALULUWA

11 / 16 / 2017

Kung sa Amerika at Europa “Trick or Treat” ang tradisyonal na kasiyahan tuwing bisperas ng Undas, ang matandang kaugalian naman sa Bulakan ay ang pagdaraos ng Pangangaluluwa.

Sa kasalukuyan ay buhay pa rin ang tradisyon ng Pangangaluluwa sa Brgy. Tibig at Pitpitan.

 

Ang Pangangaluluwa ay parang karoling na imbis na Disyembre ay tuwing Oktubre 31 ito dinaraos. Pagsapit ng gabi, umpisa na ng pananapatan ng mga katandaan sa bawat bahay sa nayon. Maghahandog sila ng kakilakilabot na mga awiting kunwari’y mula sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. May mga awiting malungkot at mayroon din namang masaya ngunit mga pawang may temang dapat alalahanin at ipagdasal ng mga taong nabubuhay pa sa lupa ang mga kaluluwang naghihintay pa rin sa pagbukas ng pintuan ng langit. Pagkatapos ng awitin ay magbibigay naman ng abuloy ang nakatira sa bahay na kanilang tinapatan.

 

 


Narito ang sipi ng isang awiting ginagamit sa Pangangaluluwa:


“Kaluluwa kaming tambing,
Sa purgatoryo nanggagaling.


Doon po’y ang gawa namin
Araw gabi’y manalangin.


Kami’y nanaog sa lupa
Para hulugan ng awa.”